ang galing ni manny pacquiao noh! kasi di ko napanood yung laban nya kasi, masakit ang ulo ko at tinulog ko ang buong araw ng linggo.. pero.. para sa idolo ng bayan ko.. eto ay para sayo!

Para Sa Iyo
Manny "pacman" Pacquiao

Gagawin ang lahat para sa yo
Kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Upang magka-isa damdamin mo't damdamin ko

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayoAng laban na 'to

Kahit buhay ko'y itataya ko sayo
Ipagtatanggol kita gamit ang aking kamao
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Ang kapwa ko pilipino

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayo
Bayan ko

Sa bawat laban sa mundo
Diyos ang laging kakampi ko (oohhh)

Para sayo (para sayo),
ang laban na 'to (4x)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Pinoy ang lahi ko
Mahal ko ang bayan ko
Para sayo
Ang laban na 'to

Para sayo
Bayan ko

---END---

SaLuTe Para Kai IdoL manNy!!

amf! CUNETA ASTRODOME, Pasay! wahahaha!! galing kami jan nung Saturday... July 23, 2005 para manood ng NAASCU! national athelicts asso. for Schools, Colleges & Universities.. amf! kasali ang CEU jan!! 1st game! talo!! waagagagaga!! sarap twatanan!! pero kahit na! busog naman kami sa vendors kasi andami nilang paikot ikot jan.. si andrew pa eh, nakilala si nicole, cheering squad, thanks to me.. kundi ko tinanung yung name at di nila ako napilit tanungin eh hindi nila makikilala yun.. kasama ko nya pala sila leo, dennis, ann, nino, andrew at akO! hahaha.. astig pa.. kasi.. wala kami sa klase! magaling hindi ba! hahaha.. dame naman cute nyan eh.. kaso bawal na ako tumingin sa kanila dahil may bebe papao na aco! oh diba! hahahaha! maingay, magulo at nakakapaos.. pero kahit na! excused naman kami sa class at nakapag gala pa kamI! hahahahah!! yun lang! weeeeeeeee!!

hahaha.. matagal ko din pala bago mailagay to sa PC coh.. hahahaha.. astig naman! nakalimutan ko na may drafts pa pala ako..

hahaha.. noong Feb 11! alas siyete ang aming klase.. laboratory tapos, chemistry lecture, basic mandarin at break time.. 2 oras ang aming break time noong araw na iyon na madalas ay tatlo at kalahati, may pupuntahan kasi kami noong araw na iyon at klangn mag NSTP..

Kami ay nagtungo sa Manila Youth Reception Center oh mas kilala sa tawag na MYRC.. dun kinukulong ang mga batang nagkasala at mga palaboy sa kalye na mga edad 18 pababa..

gumawa kami ng isang maikli at napakawalang kwentang program na wish namin ay ienjoy sana nila.. at tumpaK! nagawa namin na pasiyahin sila kahit manlang sa napaka walang kwenta naming nagawa.. hahaha..

ung mga preso na napunta samin, di naman masyadong bata, pakiramdam nga namin ay mas matatanda pa sila sa amin, pero ayos naman..

kami ay kumanta, sumayaw at nagkainan.. peo ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong nagpatugtog sila ng kantang may beat at ang mga bata ay biglang aghamon ng showdown... oh diba? kakaiba ito! kami ang hinamon nila.. hahahaha.. masya naman.. kaso.. ako at si jhenda lamang ang may lakas ng loob magsayaw.. hahaha.. nakakatuwa tlga mga pinaggagagawa ko doon na tila ako'y isang baliw na nag sasayawsayaw sa gitna ng floor..

oo nga pala.. kami ay babalik doon sa march 5... sila naman daw ang gagawa ng maikling programa sa amin! astig itO! sana ay hindi na mabago ang mga preso sa amin! kasi naman.. masaya silang kasama!
sobrang tagal din ng panahon noh.. so sa sobrang tagal.. natatawa ako sa mga nangyari sa mga nakalipas na lingo..

sisimulan ko ito noong huling linggo ng disyembre..
maganda ang sikat ng araw, walang maysadong ginagawa dahil bakasyon... dumating ang PLDT at kinabitan kami ng DSL! yehey! naka DSL na ako ngayon.. 2 araw nalang ay magpapasko na.. hindi ko alam na kaarawan din pala iyon ng aking tiyahin.. kaya dalawa ang selebrasyon namin nung araw na yon.. nakalimutan ko din na Iglesia Ni Kristo ang mga kamag anak namin sa probinsya.. kaya ginawa nalang naming isang maliit na family reunion ang araw na iyon.. oh diba napaka amazing! kami ay naglaro, nagkantahan, at mawawala ba naman ang kainan at kasiyahan! siyempre hindi diba!
umuwi kami noong Disyembre abente-sais ng tanghali.. pagkadating namin sa aming tahanan, hapon na mga alas-tres na ng hapon.. sa daan ay nagpustahan pa kaming magkapatid kung anong oras kami makakarating sa aming bahay.. sa kasamaang palad.. natalo ako at siyempre pananalo siya ng mga 3minuto nalang.. kami ay nagulat pagdating namin sa bahay.. ito ay napaka linis at naiwang walang kalat.. parang mas maganda kapag walang tao dahil walang magagalaw at walang kalat..
sa bahay namin kami nagpalipas ng bagong taon, yung gabing iyon, doon nalang muli ako lumabas ng aming bahay, palagi nalang kasi akong nakakulong sa loob ng bahay namin, nagaaral at kung ano pang magagawa.. napakasaya dahil na miss ko ang mga barkada ko, naginuman sila at di ko inakala na pati yung bata na dati'y kalaro ko.. eh umiinom nadin.. naturuan daw nila.. buti nalang ako'y tumigil na sa pagganoon.. masama sa katawan yun!
ilang minuto nalang ay mag aalas-dose na.. ako'y agad agarang umuwi ng bahay para magchat at salubungin ang bagong taon ng masaya.. pumasok ako ng Pinoyster para makausap ang tropang noyster.. ang iba natapos ng magbagong taon dahil nasa New Zealand sila.. pero kaming nasa Pilipinas, sobrang exited na para sa oras na darating.. pumatak na ang oras na pinakahihintay ng lahat, napuno ang chatroom ng Flood at puro sinasabi ay "HAPPY NEW YEAR! HAVE A NICE NEW YEAR" talagang magsasawa ka kakatingin sa ganoong mensahe.. lumipas ang limang minuto na puro ganoon lang ang nakasulat sa aming chatroom at paulit ulit na sinabi na tila napaka saya nila ay nagbukas kami ng voice chat.. nagkantaha kami at inasahang walang tulugan.. ngunit habang lumalalim ang gabi ay nababawasan kami isa isa.. ako ay tumigil ng mga alas kwatro na ng madaling araw.. at pinagpatuloy daw pala nila ang voice chat simula alaz-dose y media hanggang alasiyete ng umaga.. hindi ba sila adik? oo adik sila.. sobra!
enero a tres, kinabukasan niyan ay may pasok na kami.. may klase nadin ang karamihan sa mga estudyante at ang mga kalye ay nagkabuhol buhol nanaman.. malungkot ako dahil hindi na ako makakatulog ng lampas sa oras dahil siguradong kapag ang oras ay tumapat na sa alas nueve ay aantukin na ako at direderetsong tulog.. nagchat ako para sa huling araw ng aking bakasyon at inenjoy ang araw na natitira para sa pahinga..
kinabukasan ay nagising ako sa oras.. alas kuwatro.. dahil ang klase ko noon ay alas siyete.. may bago kaming mga propesor dahil nalipat ng departamento ang dati namin propesor sa chemistry laboratory at lecture.. ang aming guro sa chemistry lab ay sobrang terror, tila siya'y menoposed na at di na magkakaanak mula, iniwan ng asawa at pinagpalit sa mas maganda at desperadang hindi mo maiintindihan ang ugali.. unang araw palamang ay kami ay sinigawan.. dahil sa pagsigaw niyang iyon, kami ay biglang nanahimik na parang mababait na estudyante ngunit may masama na kaming balak na naglalaro sa aming isipan.. natapos din ang kanyang subject at nagtungo kami sa isa nananmang bagong propersor.. chemistry lecture na namin! kaming mga magkakaklase ay nagdadasaal na sana hindi ang guro namin ang guro namin sa chemistry lab.. lumipas ang oras at hindi padin dumadating ang aming propesor.. malapit na kaming umalis ate biglang jahe! dumating pa siya.. natakot kami.. at kinabahan.. pero buti nalang hindi siya yung guro namin na nauna.. mas mabait siya at mas naintindihan ko ang kanyang mga turo.. ang tanging hiling lang namin ay sana, hindi siya nagbabagsak ng estudyante..
enero abente-singko.. eto ang araw ng aming laboratory exam na wala naman akong naintindihan.. peo ako'y may natutunan... tungkol sa ketones, acetalinydes at kung ano ano pa.. natapos ang aming midterm exam noong enero atrentai-uno.. ang huling araw ng buwan.. masaya kaming lahat dahil dalawang araw kaming mawawalan ng klase, ganoon talaga sa aming pamantasan.. matapos ang mga eksaminasyon ay mawawalan ng pasok ng mga dalawang araw..
pebrero atres.. bumalik na kami sa aming mga klase, at nagdarasal na sana'y magaganda ang aming mga grado sa nakalipas na grading period..
sa ngayon ay mataas pa naman ang naibibigay sa amin.. peo pano na kinabukasan..

masya ako ngayong taon ng nagbabagang aso... ayon sa instik, wag titingin sa bagwa dahil may dala itong kalamasan.. baka kayo ay magaya kay ms. Kris Aquino sa kanyang palabas na feng shui

hanggang dito nalang muna.. may malaking pagbabago nga pala na magaganap sa aking pahina!
ABANGAN!