hahaha.. noong Feb 11! alas siyete ang aming klase.. laboratory tapos, chemistry lecture, basic mandarin at break time.. 2 oras ang aming break time noong araw na iyon na madalas ay tatlo at kalahati, may pupuntahan kasi kami noong araw na iyon at klangn mag NSTP..
Kami ay nagtungo sa Manila Youth Reception Center oh mas kilala sa tawag na MYRC.. dun kinukulong ang mga batang nagkasala at mga palaboy sa kalye na mga edad 18 pababa..
gumawa kami ng isang maikli at napakawalang kwentang program na wish namin ay ienjoy sana nila.. at tumpaK! nagawa namin na pasiyahin sila kahit manlang sa napaka walang kwenta naming nagawa.. hahaha..
ung mga preso na napunta samin, di naman masyadong bata, pakiramdam nga namin ay mas matatanda pa sila sa amin, pero ayos naman..
kami ay kumanta, sumayaw at nagkainan.. peo ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong nagpatugtog sila ng kantang may beat at ang mga bata ay biglang aghamon ng showdown... oh diba? kakaiba ito! kami ang hinamon nila.. hahahaha.. masya naman.. kaso.. ako at si jhenda lamang ang may lakas ng loob magsayaw.. hahaha.. nakakatuwa tlga mga pinaggagagawa ko doon na tila ako'y isang baliw na nag sasayawsayaw sa gitna ng floor..
oo nga pala.. kami ay babalik doon sa march 5... sila naman daw ang gagawa ng maikling programa sa amin! astig itO! sana ay hindi na mabago ang mga preso sa amin! kasi naman.. masaya silang kasama!
0 comments:
Post a Comment