after 6 months(atleast)
still can't get enough of SS501.

well, i know i'm not korean, i can't even understand what they're saying but what the heck, as long as i know that theyr'e beautiful. i love them.


i remember, it was june of 2009, i started watching BOF (Boys over flowers), a Korean version of Meteor Garden, i know, that it's just a remake but, one of them caught my eye, his character name is yun ji hoo. He was equivalent to hwa zi lei of MG.


On the left, Vic Zhou(Hwa Zi Lei), Right, Kim Hyun Joong(Yun Ji Hoo)

then i started to google his name. found out that he is a member of a boy band named SS501.infact, he's the leader as they call him.
i then searched youtube for videos and acts. and ofcourse, i found tons of em.

then, when i was watching one of their vids. another member caught my eye, i know that they all look alike but, there's something distinct about him, he looks so childish, not as mature as kim hyun joong. his name is kim kyujong. born on 1987. and from then on, everyday that i turn on my computer, after i visit my facebook, i directly go to youtube and look at their videos, and adore these 2 lovely guys.


Kim kyu jong.

Here's a sample



i would also like to share these lovely girls,
they call themselves SNSD(in korea) or Girls Generation.
what i thought at first is they're really exaggerated. i think they have 8 people in their group, but hearing these girls sing and seeing them dance. i can def say that they are cute.






I want to learn how to speak/write/read Korean.

Can someone teach me how to? :D



just finished ruining my blog and fixing it again.

t'was an adrenaline rush though. i thought it was the end of my world. :D

but looking into my closet, what i only see is the stockings and the black skirt. Now, its time to go shopping. :D

o yes, love the hair too. :D
i finally found her.

oops! hindi ako butch. ^^

love you honey.
So much updates in my life.
be bringing them up one by one.
just please do stand by. ^^
yes! antagal tagal ko ng walang post sa blog na ito.. i truly missed this..
akala ko dati, mag googoodbye na ako.. kaso, kapag wala ka nga namang magawa sa internet, eh di lahat ng account mo eh buksan mo..

andami ko palang ikekwento dito..
kung baga eh, status report ko ito..

naalala niyo dati, diba may boyfriend ako, nung first year, si joro, ayun, nagbreak na kami.. mga 2 years or 1 year ago nadin, feb. 14 yun.. ngayon naman, may bago na akong boyfriend, name niya, rajem, nagkakilala kami sa legarda station (kung tambay kayo dun, sa malamang nakikita niyo ako) oo, love story made in LRT, kasi, may friends siya, na friends ko din, tapos ayun, napakilala, tas hinahatid na niya ako, then, yun na nga, nung october 14 ng umaga, nagpunta kaming lahat ng tropa ku sa tanay, tapos,, siyempre, naginuman, at nagswimming, mga October 15, 2:30 ng madaling araw, nagtanong yung isang tropa namin (lhen) na kung mahal daw ba namin ang isat isa,, siyempre, na fall naman ako, tapos sabi ko "Oo", ayun, sabi nila, bat pa daw namin pinapatagal, kami namang 2, nagtanungan pa kung sure na ba? official na ba.. at sa bandang huli, kami na nga..

tapos, nag sayaw sayaw kami nung gabing yun habang umiinom, oh diba, nakakahilo, siyempre, nasuka ako.. party talaga kami..

anu pa ba ang ikekwento ko sa aking talambuhay, ay eto!

3RD YEAR NA AKO! 2nd SEM! pumapasa pa ako, akala niyo.. kaso puro 3.. KULOT NA BUNTOT.. haaay... kahit anung gusto kong lumipat ng school, pumapasa padin ako, nawalan na nga ako ng gana mag aral, pero heto padin.. sa ceu padin.. wala pa nga kaming delivery room, tsaka operating room, unlike ibang schools, may completion na,.. pwede na silang mag board exam anytime.. pinaka toxic na sem daw to, kasi may PHARMACOLOGY, tapos NCM 102, which is MEDICAL SURGICAL. nakakawala ng social life kaya.. alam niyo yun..

ay oo.. naging 2nd place pala kami sa battle of the bands ng PCHS, siyempre, sino yung nasa mic.. ako! oh diba! pero seryoso, unang beses kong kumanta sa harap ng tao nun.. di ko kaya.. kinikilabatutan kaya ako nun.. nanginginig ako at para akung tuod na nakatayo sa gitna, wow ah! basta alam ko, nanalo kami.. nakalimutan ko na nga lang yung price.. nakakaaliw kaya.. GO WINDOWPANE

1st time ko makarating ng Dayo Bar at bumaba ng Betty Go Belmonte, bago lang naman din kasi yung dayo bar sa likod ng betty go.. natugtog dun yung band ng boyprend ko, at laugh trip talaga ako ewan ko kung baket.. basta, laugh trip lang, puro puslit kami ng pagkain, at inumin, kasi naman po GINTO ang bilihin doon..

so, hanggang dito nalang muna, madadagdagan pa to! promise.. pero mas madalas na kasi talaga ako dun sa friendster blog, hindi ko alam kung bakit, maybe because, isang site lang ang binibisita mo kapag nandun ka na.. hindi na 2 or 3 window or tabs pa ang bubuksan mo.. pero maglalagay lagay padin ako dito..
july 12: kaninang mga 11am, umalis ako ng bahay para pumasok, dahil nga sa ret-dem naming noong araw na iyon, tapos pagdating ko ng mga 12:30pm, nagtataka ako bat andaming tao na naglalakad, tsaka ko nalaman n wala palang pasok, kaya naisipan naming pumunta ng novaliches para doon nalang kumain ng lunch at mgpractice sa ret-dem, dahil alam naming itutuloy yun, bukas o sa makalawa, umalis kami doon ng mga 5, at dahil sa mahirap sumakay, at maulan pa, nakarating ako ng cubao ng mga 8, dumerecho ako sa pila ng antipolo junction, sa kasamaang palad, dahil sa masyadong maulan, bumaha na pala sa may don mariano subd, at itong mga driver ng fx ay namimili pa ng biyahe, jusco, simula 8 hanggang 9:30, nakapila ako, may nakausap naman ako, si kuya Rem, nakatira sa may pa-brookside, kausap ko siya buong oras ng pagaabang at habang biyahe, masarap naman siyang kausap..Dumating na din ang sasakyan naming fx, ang biyahe noon ay hanggang tikling lang, napakiusapan ko pa si kuya driver na ihatid ako hanggang palmera 3, dahil ngA sa lakas ng ulan,, pagkauwi ko naman dito sa bahay, alam ko ng sesermonan ako, ang nakakabadtrip lang eh, tama ba namang pakealaman ako eh 18 na ako, para naman silang eng eng na pati classmates ko eh tinext pa, tapos load ko pa ang ginamit, jusco, di pa nila nabasa na wala na akong unli, anak ng tinapa, sumama pa t0ng ex ko na bwisit, sinabing may problema daw ako, eh kung ingudngud ko yun sa pader, matuwa pa kaya siya? Tang ina kasi, dinadamay pa barkada ko, eh ako lang naman ang may problema, di ko talaga siya maintindihan, jusco.. Tang ina talga, gusto ko nang tigilan nya ko, pero eto padin siyang text ng text., parang isang malaking epal sa mundo ko, surot ng buhay ko, at gusto ko ng patayin dahil nabwbwisit na talaga ako..Ang gusto ko lang naman kasi eh magkaron ako ng buhay na sakin, di nasesermonan, yung tipong walang nakekealam, yung kahit anung oras ko gusto umuwi eh pwede, tapos, kung anong gusto kong gawin, eh magagwa ko, yung aalis ka ng di mo na kailangang magpaalam, sa kasamaang palad lang eh, para padin akong 10yrs old na lahat ng bagay s buhay ko eh pinapakealaman, kahit kasulok sulukan ng mundo ko, nagagalaw, parang ewan ko ba, nakakaasar lang talaga., okay lang sana eh, kung 10 yrs old palang ako, eh antanda ko na nga, tapos, andami pading surot sa maliit kong mundo..
Ang Dream ay isang wish na ginagawa ng puso.. Kaya, kung nanaginip daw, ito ung sinasabi or nilalaman ng subconcious mind natin..
Kaso, ang iba lang sakin, kapag ako na ang nanaginip, nagkakatotoo.. Kaya kahit papaano, ayokong nananaginip ako ng ayaw ko..
Ang dream ko kasi ngayon eh about sa ex ko na kung kailan walang wala na siya sa isip ko, na hinding hindi ko na talaga siya naaalala o inaalala pa, bigla namang susulpot sa panaginip ko.. Ganito ang story..
Magkasama daw kami sa isang mall na mukhang Robinsons Metro East.. Eh, taga Bacolod siya kaya nakakapag taka kung pano siya napadpad dun, kasama ko.. Tapos, ang kulet pa kasi madaming tao dun sa lugar na iyon kaya lalong nakakapag taka.. Mi ultimo 1st hanggang 4th floor, andami dami daming tao.. Tapos isa pa eh, PDA kami.. Magkayakap and aLL tap0s nag FK pa.. Eh ayoko ng ganun pg madaming tao.. Tap0s, sobrang weird kasi ang galing nyang humalik.. Sobra.. Pero, ang alam ko eh, hindi pa siya nagkiss ng girl pero dun sa dream na yun eh, sh*t nakakahot talaga.. Tapos si mama eh ginising ako dahil sa lecheng scanner na nahihirapan siyang paganahin..
Kaia nga ayaw kong magkatotoo yung dream na yun dahil ayaw ko na talaga sa kanya eh.. Napakagulo lang.. Bigla kasi sumisingit sa isip ko..
so ayun..
natapos ang piangangabhan ng lahat na 06/06/06 stating na ang mga satanic people daw ay maglalabas ng kung ano mang puwersa sa ewan ko ba sa kanila.. kung totoo man yun.. dapat kasali ako dun.. hehe! joke lang!
wala namang maxadong ngyari sa kinakatakutan nating 06-06-06 na date na yun.. except sa.. pagkagising ko nung umaga na iyon.. i have 15 new msg na sinasabing 'happy birthday jomx! araw mo na ito'.. and half noon ay 'good morning, have a blessed day.. ü' so mejo paulit ulit.. pero.. natutuwa ako na may bumati sakin ng happy birthday sa araw na yun.. kahit di ko naman birthday.. its like.. sinasabi nilang demonya ako na ewan ko ba sa kanila..
noong day din na yun.. naka schedule ako sa doc para sa quarterly check up ko.. at ang naalintana kong anti-hepa B vaccince.. na 2nd shot na.. na dapat noong june 2 pa na shot.. tinanong ko na din kai doctora kung pwede akong magpa pierce at xa nalang ang mag butas sakin.. dahil atleast safe don.. dahil pedia coh xa! OMG! im already 18 tapos pedia padin.. hehe.. xempre! alam na niya yung background ko..
ineexpect ko na madaming mangyayari sa day na yun.. kaso.. wala.. napagod lang aco.. tapos..natulog ng maaga na nabulabog ng isang matinding ilaw galing sa kisame dahil sinindihan ang ilaw sa kalagitnaan ng tulog ko.. leche! sumakit talaga ang ulo ko.. nakakaasar po kaia talaga!
06-07-06..
so.. buo padin ang mundo.. di manlang nabawasan kahit isang bato sa lupa.. at nadagdagan pa ang mga tao.. naisip ko tuloy.. parang ang sarap ng mga naipanganak noong araw na nakalipas dahil.. 666 ang birthday nila.. baka isa sa kanila ang anak ng demonyo.. hahaha! humahahalak hak nnmn ako.. so ayun na nga.. etong araw na to.. pumunta kami nila mama ng mall para.. school supplies.. etc.. tapos.. nasa NBS kami.. mei mga students na nagaaproach sakin.. dahil sa nagbabasa lang naman ako ng books dahil nakapila sila mama sa napakahabang casheir na punong puno ng tao.. tapos.. sinasabi ba naman sakin.. 'hi ate.. iloveyou..' anak ng tupang kinaliskisan.. di ko sila pinapansiN! my gosh! nakakabanas.. grabe.. tapos.. ayun.. umuwi.. nagdoobie.. at buhay nnmn ako.. kaso.. sinimulan ko lang basahin yung book na nabili ko earlier.. "Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino" ni bob ong.. isa xang magaling ng author ng book.. ewan ko.. naeengganyo ko sa mga sinulat nya dahil ewan.. dahil siguro tagalog yung language na nasa books nya.. natapos ko ang book kaninang mga 8pm.. at eto ang masasabi ko sa book na iyon..
tama si bob ong.. maraming problem ang bansa natin.. pero wala ni isa sa atin ang gustong masisi sa pagkabulok ng sistema ng pilipinas.. laging ang tanong sa atin ng mga kapwa natin lalo na kapag nahuhuli sila eh.. "bakit ako?" marami namang iba daw na pwedeng hulihin pero bakit ako? ganun naman diba? eh bakit nga ba? may isang article din dun yung isang matthew _____ [[pasenxa na po.. nakalimutan ko surname nya]] na about sa foods ng philippines.. yung balot daw eh yucky.. mga ganong bagay.. at filipinos lang daw ang gumagamit ng mababahong patis, bagoong at kung ano ano pa sa pagkain.. hellur! naman! di lang kaia pinas ang gumagamit non! meron din xang sinabi about sa names ng filipinos.. ang weird daw.. dito daw maririnig ang doorbell names link.. ding,dong,bong,bing.. at mga nagrerepeat daw.. like jun jun.. meimei.. mga ganung ka ekekan! tapos.. binalyahan namin ito ni bob ong.. sa britain daw.. may magasawang beer ang surname.. at ipinangalan nila sa anak nila bottled.. omg! ang cute nga eh.. lecheng taga UK talaga yang matthew whatever na yan..
eto pa..
sa isang IRC chatroom daw.. [[omg! irc gamit ko sa pag chat]] may isang girl daw.. na asian.. na pde mong mapagkamalang african-american [[or black]] sa mga sinasabi.. meron daw identity crisis ang mga filipino.. kasi naman..
azn_gurlie: yoh wazzup peepz.. rhonia ish in da hauz!
then sagot din ng isang guy.. ghetto way din.. tapos.. about sex bigla pinagusapan nila.. lumusob sa isip ko ang.. huller! hindi nya pa kasi napapasok lahat ng rooms sa IRC.. bakit naman pagdating sa room na pinapasukan ko.. wholesome ang mga tao.. malalaman mong filipino.. and they dont speak in the ghetto way.. well.. ung iba siguro.. pero madalas.. puro tagalog po.. sadyang di nya lang siguro na observe ang iba pang rooms.. oh diba!
meron din doong question na.. who wants to be a filipino.. ako sagot ko don.. uhmnn.. ayoko na nga.. ahhahaa! though may disiplina.. mga ganung thing.. pero.. ayoko na.. para iba iba namang styles ang mamulat sa mata ko diba.. i mean cultures.. parang ang sama ng word na styles.. hahaha..
naalala ko nanaman din.. galing din sa same book.. na.. ang filipinas daw eh.. parang.. urgh! sextoys.. omg! dito ako naasar.. kasi naman.. kapwa filipino eh nagbebenta ng katawan sa mga foreigner.. i mean.. binebenta nila ang katawan ng iba..
another story pa.. ang filipinos daw ay hitik sa branded at original.. well.. agree ako dun.. mostly sa mga filipinos.. mapagyabang.. mas gugustuhin pang di makakain basta branded at mahal ang binibili nila.. basta western.. go agad ang drama.. pero not all eh ganun! hindi ako naniniwala sa brand.. naniniwala ako sa quality.. to think na mas matibay at mas magaganda pa ang designs ng mga garment sa tiangge kaisa sa mall.. mas masarap pa ang gulaman/halo-halo/etc.. sa mocha frappe nila.. eto pa.. magaling din ang nagfranchise ng Starbucks sa pilipinas.. to think na madami sa mga conyo[[mga mayayaman yata na taglish magsalita na mahirap iexplain eh]] ang bumibili dito.. tumatambay.. at ewan.. eh coffee lang naman yun.. you can make one for yourself.. tapos.. sa kainitan dito sa pilipinas.. makukuha mo pang mag kape?? mams maganda yata mag softdrink nalang na malamig.. ganun din yun noH! ewan ko ba.. magulo talaga..
basta alam ko.. iba ako.. iba iba ang tao.. may kanya kanya tayong papanaw sa mundo.. at eto po ang pananaw ko.. ^^
i think its time to say goodbye na to this blog.. anyway.. may isa pa naman po..

babydette's blog on friendster..

thanks!
ang galing ni manny pacquiao noh! kasi di ko napanood yung laban nya kasi, masakit ang ulo ko at tinulog ko ang buong araw ng linggo.. pero.. para sa idolo ng bayan ko.. eto ay para sayo!

Para Sa Iyo
Manny "pacman" Pacquiao

Gagawin ang lahat para sa yo
Kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Upang magka-isa damdamin mo't damdamin ko

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayoAng laban na 'to

Kahit buhay ko'y itataya ko sayo
Ipagtatanggol kita gamit ang aking kamao
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Ang kapwa ko pilipino

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayo
Bayan ko

Sa bawat laban sa mundo
Diyos ang laging kakampi ko (oohhh)

Para sayo (para sayo),
ang laban na 'to (4x)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Pinoy ang lahi ko
Mahal ko ang bayan ko
Para sayo
Ang laban na 'to

Para sayo
Bayan ko

---END---

SaLuTe Para Kai IdoL manNy!!

amf! CUNETA ASTRODOME, Pasay! wahahaha!! galing kami jan nung Saturday... July 23, 2005 para manood ng NAASCU! national athelicts asso. for Schools, Colleges & Universities.. amf! kasali ang CEU jan!! 1st game! talo!! waagagagaga!! sarap twatanan!! pero kahit na! busog naman kami sa vendors kasi andami nilang paikot ikot jan.. si andrew pa eh, nakilala si nicole, cheering squad, thanks to me.. kundi ko tinanung yung name at di nila ako napilit tanungin eh hindi nila makikilala yun.. kasama ko nya pala sila leo, dennis, ann, nino, andrew at akO! hahaha.. astig pa.. kasi.. wala kami sa klase! magaling hindi ba! hahaha.. dame naman cute nyan eh.. kaso bawal na ako tumingin sa kanila dahil may bebe papao na aco! oh diba! hahahaha! maingay, magulo at nakakapaos.. pero kahit na! excused naman kami sa class at nakapag gala pa kamI! hahahahah!! yun lang! weeeeeeeee!!

hahaha.. matagal ko din pala bago mailagay to sa PC coh.. hahahaha.. astig naman! nakalimutan ko na may drafts pa pala ako..

hahaha.. noong Feb 11! alas siyete ang aming klase.. laboratory tapos, chemistry lecture, basic mandarin at break time.. 2 oras ang aming break time noong araw na iyon na madalas ay tatlo at kalahati, may pupuntahan kasi kami noong araw na iyon at klangn mag NSTP..

Kami ay nagtungo sa Manila Youth Reception Center oh mas kilala sa tawag na MYRC.. dun kinukulong ang mga batang nagkasala at mga palaboy sa kalye na mga edad 18 pababa..

gumawa kami ng isang maikli at napakawalang kwentang program na wish namin ay ienjoy sana nila.. at tumpaK! nagawa namin na pasiyahin sila kahit manlang sa napaka walang kwenta naming nagawa.. hahaha..

ung mga preso na napunta samin, di naman masyadong bata, pakiramdam nga namin ay mas matatanda pa sila sa amin, pero ayos naman..

kami ay kumanta, sumayaw at nagkainan.. peo ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong nagpatugtog sila ng kantang may beat at ang mga bata ay biglang aghamon ng showdown... oh diba? kakaiba ito! kami ang hinamon nila.. hahahaha.. masya naman.. kaso.. ako at si jhenda lamang ang may lakas ng loob magsayaw.. hahaha.. nakakatuwa tlga mga pinaggagagawa ko doon na tila ako'y isang baliw na nag sasayawsayaw sa gitna ng floor..

oo nga pala.. kami ay babalik doon sa march 5... sila naman daw ang gagawa ng maikling programa sa amin! astig itO! sana ay hindi na mabago ang mga preso sa amin! kasi naman.. masaya silang kasama!
sobrang tagal din ng panahon noh.. so sa sobrang tagal.. natatawa ako sa mga nangyari sa mga nakalipas na lingo..

sisimulan ko ito noong huling linggo ng disyembre..
maganda ang sikat ng araw, walang maysadong ginagawa dahil bakasyon... dumating ang PLDT at kinabitan kami ng DSL! yehey! naka DSL na ako ngayon.. 2 araw nalang ay magpapasko na.. hindi ko alam na kaarawan din pala iyon ng aking tiyahin.. kaya dalawa ang selebrasyon namin nung araw na yon.. nakalimutan ko din na Iglesia Ni Kristo ang mga kamag anak namin sa probinsya.. kaya ginawa nalang naming isang maliit na family reunion ang araw na iyon.. oh diba napaka amazing! kami ay naglaro, nagkantahan, at mawawala ba naman ang kainan at kasiyahan! siyempre hindi diba!
umuwi kami noong Disyembre abente-sais ng tanghali.. pagkadating namin sa aming tahanan, hapon na mga alas-tres na ng hapon.. sa daan ay nagpustahan pa kaming magkapatid kung anong oras kami makakarating sa aming bahay.. sa kasamaang palad.. natalo ako at siyempre pananalo siya ng mga 3minuto nalang.. kami ay nagulat pagdating namin sa bahay.. ito ay napaka linis at naiwang walang kalat.. parang mas maganda kapag walang tao dahil walang magagalaw at walang kalat..
sa bahay namin kami nagpalipas ng bagong taon, yung gabing iyon, doon nalang muli ako lumabas ng aming bahay, palagi nalang kasi akong nakakulong sa loob ng bahay namin, nagaaral at kung ano pang magagawa.. napakasaya dahil na miss ko ang mga barkada ko, naginuman sila at di ko inakala na pati yung bata na dati'y kalaro ko.. eh umiinom nadin.. naturuan daw nila.. buti nalang ako'y tumigil na sa pagganoon.. masama sa katawan yun!
ilang minuto nalang ay mag aalas-dose na.. ako'y agad agarang umuwi ng bahay para magchat at salubungin ang bagong taon ng masaya.. pumasok ako ng Pinoyster para makausap ang tropang noyster.. ang iba natapos ng magbagong taon dahil nasa New Zealand sila.. pero kaming nasa Pilipinas, sobrang exited na para sa oras na darating.. pumatak na ang oras na pinakahihintay ng lahat, napuno ang chatroom ng Flood at puro sinasabi ay "HAPPY NEW YEAR! HAVE A NICE NEW YEAR" talagang magsasawa ka kakatingin sa ganoong mensahe.. lumipas ang limang minuto na puro ganoon lang ang nakasulat sa aming chatroom at paulit ulit na sinabi na tila napaka saya nila ay nagbukas kami ng voice chat.. nagkantaha kami at inasahang walang tulugan.. ngunit habang lumalalim ang gabi ay nababawasan kami isa isa.. ako ay tumigil ng mga alas kwatro na ng madaling araw.. at pinagpatuloy daw pala nila ang voice chat simula alaz-dose y media hanggang alasiyete ng umaga.. hindi ba sila adik? oo adik sila.. sobra!
enero a tres, kinabukasan niyan ay may pasok na kami.. may klase nadin ang karamihan sa mga estudyante at ang mga kalye ay nagkabuhol buhol nanaman.. malungkot ako dahil hindi na ako makakatulog ng lampas sa oras dahil siguradong kapag ang oras ay tumapat na sa alas nueve ay aantukin na ako at direderetsong tulog.. nagchat ako para sa huling araw ng aking bakasyon at inenjoy ang araw na natitira para sa pahinga..
kinabukasan ay nagising ako sa oras.. alas kuwatro.. dahil ang klase ko noon ay alas siyete.. may bago kaming mga propesor dahil nalipat ng departamento ang dati namin propesor sa chemistry laboratory at lecture.. ang aming guro sa chemistry lab ay sobrang terror, tila siya'y menoposed na at di na magkakaanak mula, iniwan ng asawa at pinagpalit sa mas maganda at desperadang hindi mo maiintindihan ang ugali.. unang araw palamang ay kami ay sinigawan.. dahil sa pagsigaw niyang iyon, kami ay biglang nanahimik na parang mababait na estudyante ngunit may masama na kaming balak na naglalaro sa aming isipan.. natapos din ang kanyang subject at nagtungo kami sa isa nananmang bagong propersor.. chemistry lecture na namin! kaming mga magkakaklase ay nagdadasaal na sana hindi ang guro namin ang guro namin sa chemistry lab.. lumipas ang oras at hindi padin dumadating ang aming propesor.. malapit na kaming umalis ate biglang jahe! dumating pa siya.. natakot kami.. at kinabahan.. pero buti nalang hindi siya yung guro namin na nauna.. mas mabait siya at mas naintindihan ko ang kanyang mga turo.. ang tanging hiling lang namin ay sana, hindi siya nagbabagsak ng estudyante..
enero abente-singko.. eto ang araw ng aming laboratory exam na wala naman akong naintindihan.. peo ako'y may natutunan... tungkol sa ketones, acetalinydes at kung ano ano pa.. natapos ang aming midterm exam noong enero atrentai-uno.. ang huling araw ng buwan.. masaya kaming lahat dahil dalawang araw kaming mawawalan ng klase, ganoon talaga sa aming pamantasan.. matapos ang mga eksaminasyon ay mawawalan ng pasok ng mga dalawang araw..
pebrero atres.. bumalik na kami sa aming mga klase, at nagdarasal na sana'y magaganda ang aming mga grado sa nakalipas na grading period..
sa ngayon ay mataas pa naman ang naibibigay sa amin.. peo pano na kinabukasan..

masya ako ngayong taon ng nagbabagang aso... ayon sa instik, wag titingin sa bagwa dahil may dala itong kalamasan.. baka kayo ay magaya kay ms. Kris Aquino sa kanyang palabas na feng shui

hanggang dito nalang muna.. may malaking pagbabago nga pala na magaganap sa aking pahina!
ABANGAN!

may Copyright po yan... ako nag picure nyan eh... bayad muna bago kuha


ayus ba? ayan ang sinasakyan ko everyday papunta sa school... 30mins sa morning, 30mins sa uwian... mejo crowded nga lang kasi... lahat ng tao na nag-work sa manila na nakatira sa rizal, jan sumasakay...
everytime na sasakay ako jan, ansaya ng naririnig ko... nga pala, ang station or ang pinaka unang station is Santolan, Maikina... so dun mag start ang train... after nun... aalis lang ng mejo sandali then sasabihin ng voice "next station, Katipunan. This train is up to Recto Station-Ang susunod na Estasyon ay Katipunan. Ang Tren na ito ay hanggang sa Recto" sabay singit ko naman after noon..."Ang susunod na estasyon ay Kamatayan, ang tren na ito ay walang preno"... asteeg nga eh.. parang wala lang... ahihihi... susunod sa Katipunan Station is, Anonas, then Cubao, jan sa Cubao station, palaging madaming lumalabas... kaya pagdating jan, mejo nakakupo ako.. kung may mabait... after Cubao, the next station is Betty-Go-Belmonte... ewan k ba kung bakit ang haba ng name.. pero naaliw ako... after nyan, Gilmore, jan bumababa yung mga manonood ng "eat Bulaga" kasi nanjan lang ang brodway stadium... next is J.Ruiz, humnn ano ba makikita jan? teka! iniisip ko! ahh! tama.. yung mga taga Central Colleges of the Philippines (CCP) jan bumababa... ewan ko kung bakit din.. malapit yata jan skul nila eh... Arriving at V.mapa station... yun kasi ang station after ng J.Ruiz... jan nmn makikita ang kalye, ulap at ibapa... wala naman silang pinagkaiba iba eh.. alam ko lang, station sila... pagkatapos nyan, Pureza, then Legarda! jan na ang stop q... peo hanggang Recto pa tlga ang station! eh... mas malapit ang legarda sa CEU eh,,, kaysa nmn mapalayo ako! depende nalang kung nakatulog ako at sa Recto ako makababa...
ayan ang journey ko araw araw... as in... grabe... wahihihi...

amf... ayos ang first day... nak ng kiamoi... walang nangyari ng 1st week... napagod lang ako... shit lang masasabi ko... or mxado lang mataas ang ni-eexpect ko.. haay... akala ko pa naman... tsk tsk tsk...

ano napala ko sa 1st week na yun? (a)pagod (b)pera (c) uhmnn... (d)ehhh... (e)wala na... ngyahahaha... anak ng kiamoi... nakak bweesit... sakit ng ulo ko... nasayang ang madaming napkin na ginamit ko 1week ako nag napkin ng wala ako... (white kasi uniform namin... amf` sayang tlga... after 1week lang ako nagkaroon... kung kaylan paubos na napkin ko)

(a)PAGOD...
asar na pagod yan... Monday, Wednesday, Friday (tatawagin nalang nating MWF para maikli... at kapag Tuesday,Thursday,Saturday naman ay TTHS) bumalik tayo sa usapan... every MWF, 9am ang classes ko... dahil sa 2 or 1 1/2 ang biyahe... (2 pag traffic) eh di 7am ako umaalis ng bahay... hinahatid ako hanggang LRT station... tapos uuwi ako ng mga 7pm din... tama ba naman yun... badtrip na kapagudan... tapos every TTHS naman 7am ang 1st class ko.. tapos uuwi ako ng 5pm..
asar tlga.. wala pa dyan yung biyahe... anak ng kiamoi na kapagudan... asarnes....

(b)PERA...
hindi ko naman sinabi na lahat negative diba... ang sabi ko lang nmn is 1st week suck... at niask ko kung ano napapala ko dun... eh di may pera ako... money makes the world go round... yun yung sabi sa movies... asar nga eh... anlakas ko gumastos... hindi ko pa nabibili lahat ng books... ubos na agad yung money.. ahahaha... ang malas tlga... panu na kaya ako bibili ng libro nyan... bwahahaha... amf` bahala na... kung ano nalang mngyri... :D

ansaya diba... isang negative, isang positive... yan palang nmn kasi ang napapala ko sa 1st week eh... pero sa mga subjects... it sucks tlga.. ahahah...

so hanggang d2 nalang muna... mag GB pa ako.. ahahaha.. til nx time...

haay! 1st day of school! ansaya!! the night before.. hindi ako makatulog sa sobrang excite.. di ko kasi alam ang mngyyri dahil college na to eh... hindi na high school...

I woke up at exactly 4am.. 7 am kasi ang 1st class ko.. nakatulog pa nga ako sa sofa eh... anyway... xmpre.. ginawa ko yung routine ko every morning... (bath, toothbrush, breakfast, milk, dressup, etc...) ni hatid ako ni mama hanggang sa LRT station sa Santolan, Marikina... dahil sa wala pa me card... i have to line up with other people then sasakay sa train. eh ang haba ng line... aabot na yata sa kung saan... so.. natagalan ako dun sa line... after mga 10mins siguro yun... tsaka lang ako naka kuha ng card... that was 6am already... sumakay ako sa LRT my destination is Legarda, Manila pero the train is up to Recto.. xempre, mawawala ba nmn sa LRT ang cute college guy? db hindi... andami nila... as in... its raining men tlga... after mga 30mins, nakarating na ako sa Legarda station... and hindi ako nakaupo sa train nung papunta.. kaasar nga eh... eh di mga 6:30am nasa school na ako... nag walk ako papunta sa mismong school.. and guess who ung nakita ko... its Drew Arellano... he's so super gwapo as in.. nakakatunaw... kaasar nga lang kasi may ni-iinterview xa that time.. so deretso ako sa gate... xmpre kabado ako peo parang ansaya ng atmosphere kaya mejo okay lang... ni-ask ko yung person na nag-aasist ng freshmen kung san yung building.. akala ko sa loob lang ng campus.. un pala sa labas... sa may likod... its soo super layo... tapos 4th floor pa ako... on the ground floor ng building... may nag approach sakin na girl.. ni ask na kung anong section ko sabi ko ahse 1-L... tapos nisamahan nya ako hanggang sa classroom ko... pgdating sa room... sarado pa... antagal nga namin dun eh... on the door.. i met 3girls... Joana, Kai, Ivy... Joana is from bataan, Kai and Ivy are from Lucena... buti nalang may kausap ako nung mga panahon na yun kundi mamatay ako kasi ba nmn ang ineet sa hallway tapos... wala pa akong kilala... after 45 mins... tsaka lang yta dumating ang tcher namin... mga 7am nandun na pala ako sa room... (tapat) amf... super init tlga sa hallway... nung dumating yung tcher... feeling ko terror... as in... mukha kasing masungeet.. yun pala mag intro lang ng mga etc... tapos ibibigay yung title ng book na gagamitin namin.. tapos the next teacher arrived... then pagdating sa 3rd tcher.. ansungeet bigla.. ansarap sapakin.. nakalimutan ko na nga name eh... tapos... religion na.. the last subject for the day... 11-1pm yung subject na yun... ayus naman.. masaya kasi yung prof... as in mabait xa para sakin... tapos.. tawa lang kami ng tawa the whole class nya... so after nun.. uwian na...

amf.. ansaya ko kasi nakaupo ako sa LRT pauwi... inaatok pa ako nun kasi mga 1:30pm na yun... oh diba tanghaling tapat... tapos... pagdating sa station... amf` anhirap sumakay.. to the max.. inabot ako ng 1hour bago makasakay ng FX-antipolo-junction.. yan kasi ang route na kailangn kong sakyan... then... mga 30 mins na biyahe nnmn yun... or 1hour kung traffic... amf` pagka uwi ko... gutom na ako.. kasi hindi pa ako nag lunch that was i believe mga 3pm na... nakatulog nalang ako ng gutom then... wala na... ahihihi...

well yun lang nmn ngyri nung 1st day eh.. wala ng iba.. ahihihi... ansaya nmn mag college,,, enjoi nmn kasi eh...

haay! 1week nalang, start na ng new life ko... college na, kailangan na magtino peo gusto ko magloko... hehehe...

madami nagsasabi na masaya daw ang college, peo mas masaya daw ang high school etc... ngun... malalaman ko na kung ano yung 22o dun... sana mag enjoy ako sa college life ko.. feeling ko mahirap, peo kakayanin ko.. nakakakaba naman kasi eh.. anlayo ko pa sa house namin, ontie lang ang friends ko near that area.. haay... kaya ko to!! (sana)

haay... sino kaya makaka help sakin para magturo ng mga info abt college... ngun palang nanginginig na ako... ambiles ng heartbeat ko... parang, exited ako na natatakewt... haay.. lahat naman siguro dumaan sa ganitong stage...

sa tuesday, june 14... yun na ang day na kinatatakutan ko... sa CEU.. 7am... sana wag ng dumating ang day na un... sana mababait ang mga prof q... sana madali lang ang mga subj ko... lahat yan puro "sana" lang... 1week pa bago malaman ang lahat...

(gulo noh,.. nagets nyo ba? sowee, kabado lang tlga me eh...)^^

ayan nnmn! kaka-swimming! tapos! laro! pero okay lang! enjoy naman eh.. birthday kasi ng friend namin.. si GERALD.. 17 na xa... then.. yun.. wala xang alam na pagkaka-gastusan ng money so swimming nalang daw..
hindi nman namin sinasadya na itapat sa may laban namin ang swimming beeday party nya.. pero.. birthday nya eh.. wala kaming magagawa.. hindi nmn pede i-move ang bday nya.. hindi din pede i-re sched ung game.. so.. may plan kami... from 11-4 mag swim then, 4:30-8pm hihintayin namin ang game or at the same time maglalaro na kami... then after ng game babalik sa pool para mag party uleet overnight...
everything was going fine... eh biglang... ayaw ng sumama ng iba... i-eenjoy daw nila yung pag swim.. so iilan lang kaming bumalik.. mga 8 lang yta... ang kaylangan sa loob ng court is 4girls and 2 boys sakto 4 kaming girls, so walang pang sub if ever may nagkakalat and 4 boys... so, super babad kaming 4 nila ate yash, jessica, and aileen... super grabe sa pagod... from 1st set to 3rd set... babad tlga kami... ang hirap tlga ng swimming then shift agad sa volleyball... parang yung blood ko gusto pang mag swim... oh yah! ang kalaban namin is.. Tsunami(selection ng players galing kung saan saan and may lumaban sa straa dun!),.. super galing nila! and aco.. super kabado.. kasi nmn... sa STRAA players ba kami i-laban... buti nalang friends namin sila... mejo, dahan dahan na hataw, tsaka binibigay tlga ang ball... 1st set, sila ang nag win... 2nd set kami (sa awa nila)... 3rd set... sila na tlga... atleast naka score kami noh.. hehehe! joke! so yun... nagiisip kami kung babalik pa kami sa swimming... biglang sa super pagod ko.. sabi ko... "ayaw ko na, ayaw ko ng bumalik dun, iinom sila eh..." so yun.. hindi na nga kami bumalik.. hindi na din bumalik si aileen, si jessica, si kuya rowel, kuya jim, and kuya nino.. pero.. bumalik padin si tito cums(kuya jhay) and si yun lang yta! hehehe!! so ngun.. nag chat aco.. and... gumagawa ng blogs... while nagpapahinga! hehehehe!!