july 12: kaninang mga 11am, umalis ako ng bahay para pumasok, dahil nga sa ret-dem naming noong araw na iyon, tapos pagdating ko ng mga 12:30pm, nagtataka ako bat andaming tao na naglalakad, tsaka ko nalaman n wala palang pasok, kaya naisipan naming pumunta ng novaliches para doon nalang kumain ng lunch at mgpractice sa ret-dem, dahil alam naming itutuloy yun, bukas o sa makalawa, umalis kami doon ng mga 5, at dahil sa mahirap sumakay, at maulan pa, nakarating ako ng cubao ng mga 8, dumerecho ako sa pila ng antipolo junction, sa kasamaang palad, dahil sa masyadong maulan, bumaha na pala sa may don mariano subd, at itong mga driver ng fx ay namimili pa ng biyahe, jusco, simula 8 hanggang 9:30, nakapila ako, may nakausap naman ako, si kuya Rem, nakatira sa may pa-brookside, kausap ko siya buong oras ng pagaabang at habang biyahe, masarap naman siyang kausap..Dumating na din ang sasakyan naming fx, ang biyahe noon ay hanggang tikling lang, napakiusapan ko pa si kuya driver na ihatid ako hanggang palmera 3, dahil ngA sa lakas ng ulan,, pagkauwi ko naman dito sa bahay, alam ko ng sesermonan ako, ang nakakabadtrip lang eh, tama ba namang pakealaman ako eh 18 na ako, para naman silang eng eng na pati classmates ko eh tinext pa, tapos load ko pa ang ginamit, jusco, di pa nila nabasa na wala na akong unli, anak ng tinapa, sumama pa t0ng ex ko na bwisit, sinabing may problema daw ako, eh kung ingudngud ko yun sa pader, matuwa pa kaya siya? Tang ina kasi, dinadamay pa barkada ko, eh ako lang naman ang may problema, di ko talaga siya maintindihan, jusco.. Tang ina talga, gusto ko nang tigilan nya ko, pero eto padin siyang text ng text., parang isang malaking epal sa mundo ko, surot ng buhay ko, at gusto ko ng patayin dahil nabwbwisit na talaga ako..Ang gusto ko lang naman kasi eh magkaron ako ng buhay na sakin, di nasesermonan, yung tipong walang nakekealam, yung kahit anung oras ko gusto umuwi eh pwede, tapos, kung anong gusto kong gawin, eh magagwa ko, yung aalis ka ng di mo na kailangang magpaalam, sa kasamaang palad lang eh, para padin akong 10yrs old na lahat ng bagay s buhay ko eh pinapakealaman, kahit kasulok sulukan ng mundo ko, nagagalaw, parang ewan ko ba, nakakaasar lang talaga., okay lang sana eh, kung 10 yrs old palang ako, eh antanda ko na nga, tapos, andami pading surot sa maliit kong mundo..
Ang Dream ay isang wish na ginagawa ng puso.. Kaya, kung nanaginip daw, ito ung sinasabi or nilalaman ng subconcious mind natin..
Kaso, ang iba lang sakin, kapag ako na ang nanaginip, nagkakatotoo.. Kaya kahit papaano, ayokong nananaginip ako ng ayaw ko..
Ang dream ko kasi ngayon eh about sa ex ko na kung kailan walang wala na siya sa isip ko, na hinding hindi ko na talaga siya naaalala o inaalala pa, bigla namang susulpot sa panaginip ko.. Ganito ang story..
Magkasama daw kami sa isang mall na mukhang Robinsons Metro East.. Eh, taga Bacolod siya kaya nakakapag taka kung pano siya napadpad dun, kasama ko.. Tapos, ang kulet pa kasi madaming tao dun sa lugar na iyon kaya lalong nakakapag taka.. Mi ultimo 1st hanggang 4th floor, andami dami daming tao.. Tapos isa pa eh, PDA kami.. Magkayakap and aLL tap0s nag FK pa.. Eh ayoko ng ganun pg madaming tao.. Tap0s, sobrang weird kasi ang galing nyang humalik.. Sobra.. Pero, ang alam ko eh, hindi pa siya nagkiss ng girl pero dun sa dream na yun eh, sh*t nakakahot talaga.. Tapos si mama eh ginising ako dahil sa lecheng scanner na nahihirapan siyang paganahin..
Kaia nga ayaw kong magkatotoo yung dream na yun dahil ayaw ko na talaga sa kanya eh.. Napakagulo lang.. Bigla kasi sumisingit sa isip ko..
so ayun..
natapos ang piangangabhan ng lahat na 06/06/06 stating na ang mga satanic people daw ay maglalabas ng kung ano mang puwersa sa ewan ko ba sa kanila.. kung totoo man yun.. dapat kasali ako dun.. hehe! joke lang!
wala namang maxadong ngyari sa kinakatakutan nating 06-06-06 na date na yun.. except sa.. pagkagising ko nung umaga na iyon.. i have 15 new msg na sinasabing 'happy birthday jomx! araw mo na ito'.. and half noon ay 'good morning, have a blessed day.. ü' so mejo paulit ulit.. pero.. natutuwa ako na may bumati sakin ng happy birthday sa araw na yun.. kahit di ko naman birthday.. its like.. sinasabi nilang demonya ako na ewan ko ba sa kanila..
noong day din na yun.. naka schedule ako sa doc para sa quarterly check up ko.. at ang naalintana kong anti-hepa B vaccince.. na 2nd shot na.. na dapat noong june 2 pa na shot.. tinanong ko na din kai doctora kung pwede akong magpa pierce at xa nalang ang mag butas sakin.. dahil atleast safe don.. dahil pedia coh xa! OMG! im already 18 tapos pedia padin.. hehe.. xempre! alam na niya yung background ko..
ineexpect ko na madaming mangyayari sa day na yun.. kaso.. wala.. napagod lang aco.. tapos..natulog ng maaga na nabulabog ng isang matinding ilaw galing sa kisame dahil sinindihan ang ilaw sa kalagitnaan ng tulog ko.. leche! sumakit talaga ang ulo ko.. nakakaasar po kaia talaga!
06-07-06..
so.. buo padin ang mundo.. di manlang nabawasan kahit isang bato sa lupa.. at nadagdagan pa ang mga tao.. naisip ko tuloy.. parang ang sarap ng mga naipanganak noong araw na nakalipas dahil.. 666 ang birthday nila.. baka isa sa kanila ang anak ng demonyo.. hahaha! humahahalak hak nnmn ako.. so ayun na nga.. etong araw na to.. pumunta kami nila mama ng mall para.. school supplies.. etc.. tapos.. nasa NBS kami.. mei mga students na nagaaproach sakin.. dahil sa nagbabasa lang naman ako ng books dahil nakapila sila mama sa napakahabang casheir na punong puno ng tao.. tapos.. sinasabi ba naman sakin.. 'hi ate.. iloveyou..' anak ng tupang kinaliskisan.. di ko sila pinapansiN! my gosh! nakakabanas.. grabe.. tapos.. ayun.. umuwi.. nagdoobie.. at buhay nnmn ako.. kaso.. sinimulan ko lang basahin yung book na nabili ko earlier.. "Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino" ni bob ong.. isa xang magaling ng author ng book.. ewan ko.. naeengganyo ko sa mga sinulat nya dahil ewan.. dahil siguro tagalog yung language na nasa books nya.. natapos ko ang book kaninang mga 8pm.. at eto ang masasabi ko sa book na iyon..
tama si bob ong.. maraming problem ang bansa natin.. pero wala ni isa sa atin ang gustong masisi sa pagkabulok ng sistema ng pilipinas.. laging ang tanong sa atin ng mga kapwa natin lalo na kapag nahuhuli sila eh.. "bakit ako?" marami namang iba daw na pwedeng hulihin pero bakit ako? ganun naman diba? eh bakit nga ba? may isang article din dun yung isang matthew _____ [[pasenxa na po.. nakalimutan ko surname nya]] na about sa foods ng philippines.. yung balot daw eh yucky.. mga ganong bagay.. at filipinos lang daw ang gumagamit ng mababahong patis, bagoong at kung ano ano pa sa pagkain.. hellur! naman! di lang kaia pinas ang gumagamit non! meron din xang sinabi about sa names ng filipinos.. ang weird daw.. dito daw maririnig ang doorbell names link.. ding,dong,bong,bing.. at mga nagrerepeat daw.. like jun jun.. meimei.. mga ganung ka ekekan! tapos.. binalyahan namin ito ni bob ong.. sa britain daw.. may magasawang beer ang surname.. at ipinangalan nila sa anak nila bottled.. omg! ang cute nga eh.. lecheng taga UK talaga yang matthew whatever na yan..
eto pa..
sa isang IRC chatroom daw.. [[omg! irc gamit ko sa pag chat]] may isang girl daw.. na asian.. na pde mong mapagkamalang african-american [[or black]] sa mga sinasabi.. meron daw identity crisis ang mga filipino.. kasi naman..
azn_gurlie: yoh wazzup peepz.. rhonia ish in da hauz!
then sagot din ng isang guy.. ghetto way din.. tapos.. about sex bigla pinagusapan nila.. lumusob sa isip ko ang.. huller! hindi nya pa kasi napapasok lahat ng rooms sa IRC.. bakit naman pagdating sa room na pinapasukan ko.. wholesome ang mga tao.. malalaman mong filipino.. and they dont speak in the ghetto way.. well.. ung iba siguro.. pero madalas.. puro tagalog po.. sadyang di nya lang siguro na observe ang iba pang rooms.. oh diba!
meron din doong question na.. who wants to be a filipino.. ako sagot ko don.. uhmnn.. ayoko na nga.. ahhahaa! though may disiplina.. mga ganung thing.. pero.. ayoko na.. para iba iba namang styles ang mamulat sa mata ko diba.. i mean cultures.. parang ang sama ng word na styles.. hahaha..
naalala ko nanaman din.. galing din sa same book.. na.. ang filipinas daw eh.. parang.. urgh! sextoys.. omg! dito ako naasar.. kasi naman.. kapwa filipino eh nagbebenta ng katawan sa mga foreigner.. i mean.. binebenta nila ang katawan ng iba..
another story pa.. ang filipinos daw ay hitik sa branded at original.. well.. agree ako dun.. mostly sa mga filipinos.. mapagyabang.. mas gugustuhin pang di makakain basta branded at mahal ang binibili nila.. basta western.. go agad ang drama.. pero not all eh ganun! hindi ako naniniwala sa brand.. naniniwala ako sa quality.. to think na mas matibay at mas magaganda pa ang designs ng mga garment sa tiangge kaisa sa mall.. mas masarap pa ang gulaman/halo-halo/etc.. sa mocha frappe nila.. eto pa.. magaling din ang nagfranchise ng Starbucks sa pilipinas.. to think na madami sa mga conyo[[mga mayayaman yata na taglish magsalita na mahirap iexplain eh]] ang bumibili dito.. tumatambay.. at ewan.. eh coffee lang naman yun.. you can make one for yourself.. tapos.. sa kainitan dito sa pilipinas.. makukuha mo pang mag kape?? mams maganda yata mag softdrink nalang na malamig.. ganun din yun noH! ewan ko ba.. magulo talaga..
basta alam ko.. iba ako.. iba iba ang tao.. may kanya kanya tayong papanaw sa mundo.. at eto po ang pananaw ko.. ^^
i think its time to say goodbye na to this blog.. anyway.. may isa pa naman po..

babydette's blog on friendster..

thanks!
ang galing ni manny pacquiao noh! kasi di ko napanood yung laban nya kasi, masakit ang ulo ko at tinulog ko ang buong araw ng linggo.. pero.. para sa idolo ng bayan ko.. eto ay para sayo!

Para Sa Iyo
Manny "pacman" Pacquiao

Gagawin ang lahat para sa yo
Kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Upang magka-isa damdamin mo't damdamin ko

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayoAng laban na 'to

Kahit buhay ko'y itataya ko sayo
Ipagtatanggol kita gamit ang aking kamao
Ito ang tanging paraan na naisip ko
Ang kapwa ko pilipino

Para sayo
Ang laban na 'to
Para sayo
Ang laban na 'to (ohhh)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Para sayo
Bayan ko

Sa bawat laban sa mundo
Diyos ang laging kakampi ko (oohhh)

Para sayo (para sayo),
ang laban na 'to (4x)
Hindi ako susukoIsisigaw ko sa mundo
Pinoy ang lahi ko
Mahal ko ang bayan ko
Para sayo
Ang laban na 'to

Para sayo
Bayan ko

---END---

SaLuTe Para Kai IdoL manNy!!

amf! CUNETA ASTRODOME, Pasay! wahahaha!! galing kami jan nung Saturday... July 23, 2005 para manood ng NAASCU! national athelicts asso. for Schools, Colleges & Universities.. amf! kasali ang CEU jan!! 1st game! talo!! waagagagaga!! sarap twatanan!! pero kahit na! busog naman kami sa vendors kasi andami nilang paikot ikot jan.. si andrew pa eh, nakilala si nicole, cheering squad, thanks to me.. kundi ko tinanung yung name at di nila ako napilit tanungin eh hindi nila makikilala yun.. kasama ko nya pala sila leo, dennis, ann, nino, andrew at akO! hahaha.. astig pa.. kasi.. wala kami sa klase! magaling hindi ba! hahaha.. dame naman cute nyan eh.. kaso bawal na ako tumingin sa kanila dahil may bebe papao na aco! oh diba! hahahaha! maingay, magulo at nakakapaos.. pero kahit na! excused naman kami sa class at nakapag gala pa kamI! hahahahah!! yun lang! weeeeeeeee!!

hahaha.. matagal ko din pala bago mailagay to sa PC coh.. hahahaha.. astig naman! nakalimutan ko na may drafts pa pala ako..

hahaha.. noong Feb 11! alas siyete ang aming klase.. laboratory tapos, chemistry lecture, basic mandarin at break time.. 2 oras ang aming break time noong araw na iyon na madalas ay tatlo at kalahati, may pupuntahan kasi kami noong araw na iyon at klangn mag NSTP..

Kami ay nagtungo sa Manila Youth Reception Center oh mas kilala sa tawag na MYRC.. dun kinukulong ang mga batang nagkasala at mga palaboy sa kalye na mga edad 18 pababa..

gumawa kami ng isang maikli at napakawalang kwentang program na wish namin ay ienjoy sana nila.. at tumpaK! nagawa namin na pasiyahin sila kahit manlang sa napaka walang kwenta naming nagawa.. hahaha..

ung mga preso na napunta samin, di naman masyadong bata, pakiramdam nga namin ay mas matatanda pa sila sa amin, pero ayos naman..

kami ay kumanta, sumayaw at nagkainan.. peo ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong nagpatugtog sila ng kantang may beat at ang mga bata ay biglang aghamon ng showdown... oh diba? kakaiba ito! kami ang hinamon nila.. hahahaha.. masya naman.. kaso.. ako at si jhenda lamang ang may lakas ng loob magsayaw.. hahaha.. nakakatuwa tlga mga pinaggagagawa ko doon na tila ako'y isang baliw na nag sasayawsayaw sa gitna ng floor..

oo nga pala.. kami ay babalik doon sa march 5... sila naman daw ang gagawa ng maikling programa sa amin! astig itO! sana ay hindi na mabago ang mga preso sa amin! kasi naman.. masaya silang kasama!
sobrang tagal din ng panahon noh.. so sa sobrang tagal.. natatawa ako sa mga nangyari sa mga nakalipas na lingo..

sisimulan ko ito noong huling linggo ng disyembre..
maganda ang sikat ng araw, walang maysadong ginagawa dahil bakasyon... dumating ang PLDT at kinabitan kami ng DSL! yehey! naka DSL na ako ngayon.. 2 araw nalang ay magpapasko na.. hindi ko alam na kaarawan din pala iyon ng aking tiyahin.. kaya dalawa ang selebrasyon namin nung araw na yon.. nakalimutan ko din na Iglesia Ni Kristo ang mga kamag anak namin sa probinsya.. kaya ginawa nalang naming isang maliit na family reunion ang araw na iyon.. oh diba napaka amazing! kami ay naglaro, nagkantahan, at mawawala ba naman ang kainan at kasiyahan! siyempre hindi diba!
umuwi kami noong Disyembre abente-sais ng tanghali.. pagkadating namin sa aming tahanan, hapon na mga alas-tres na ng hapon.. sa daan ay nagpustahan pa kaming magkapatid kung anong oras kami makakarating sa aming bahay.. sa kasamaang palad.. natalo ako at siyempre pananalo siya ng mga 3minuto nalang.. kami ay nagulat pagdating namin sa bahay.. ito ay napaka linis at naiwang walang kalat.. parang mas maganda kapag walang tao dahil walang magagalaw at walang kalat..
sa bahay namin kami nagpalipas ng bagong taon, yung gabing iyon, doon nalang muli ako lumabas ng aming bahay, palagi nalang kasi akong nakakulong sa loob ng bahay namin, nagaaral at kung ano pang magagawa.. napakasaya dahil na miss ko ang mga barkada ko, naginuman sila at di ko inakala na pati yung bata na dati'y kalaro ko.. eh umiinom nadin.. naturuan daw nila.. buti nalang ako'y tumigil na sa pagganoon.. masama sa katawan yun!
ilang minuto nalang ay mag aalas-dose na.. ako'y agad agarang umuwi ng bahay para magchat at salubungin ang bagong taon ng masaya.. pumasok ako ng Pinoyster para makausap ang tropang noyster.. ang iba natapos ng magbagong taon dahil nasa New Zealand sila.. pero kaming nasa Pilipinas, sobrang exited na para sa oras na darating.. pumatak na ang oras na pinakahihintay ng lahat, napuno ang chatroom ng Flood at puro sinasabi ay "HAPPY NEW YEAR! HAVE A NICE NEW YEAR" talagang magsasawa ka kakatingin sa ganoong mensahe.. lumipas ang limang minuto na puro ganoon lang ang nakasulat sa aming chatroom at paulit ulit na sinabi na tila napaka saya nila ay nagbukas kami ng voice chat.. nagkantaha kami at inasahang walang tulugan.. ngunit habang lumalalim ang gabi ay nababawasan kami isa isa.. ako ay tumigil ng mga alas kwatro na ng madaling araw.. at pinagpatuloy daw pala nila ang voice chat simula alaz-dose y media hanggang alasiyete ng umaga.. hindi ba sila adik? oo adik sila.. sobra!
enero a tres, kinabukasan niyan ay may pasok na kami.. may klase nadin ang karamihan sa mga estudyante at ang mga kalye ay nagkabuhol buhol nanaman.. malungkot ako dahil hindi na ako makakatulog ng lampas sa oras dahil siguradong kapag ang oras ay tumapat na sa alas nueve ay aantukin na ako at direderetsong tulog.. nagchat ako para sa huling araw ng aking bakasyon at inenjoy ang araw na natitira para sa pahinga..
kinabukasan ay nagising ako sa oras.. alas kuwatro.. dahil ang klase ko noon ay alas siyete.. may bago kaming mga propesor dahil nalipat ng departamento ang dati namin propesor sa chemistry laboratory at lecture.. ang aming guro sa chemistry lab ay sobrang terror, tila siya'y menoposed na at di na magkakaanak mula, iniwan ng asawa at pinagpalit sa mas maganda at desperadang hindi mo maiintindihan ang ugali.. unang araw palamang ay kami ay sinigawan.. dahil sa pagsigaw niyang iyon, kami ay biglang nanahimik na parang mababait na estudyante ngunit may masama na kaming balak na naglalaro sa aming isipan.. natapos din ang kanyang subject at nagtungo kami sa isa nananmang bagong propersor.. chemistry lecture na namin! kaming mga magkakaklase ay nagdadasaal na sana hindi ang guro namin ang guro namin sa chemistry lab.. lumipas ang oras at hindi padin dumadating ang aming propesor.. malapit na kaming umalis ate biglang jahe! dumating pa siya.. natakot kami.. at kinabahan.. pero buti nalang hindi siya yung guro namin na nauna.. mas mabait siya at mas naintindihan ko ang kanyang mga turo.. ang tanging hiling lang namin ay sana, hindi siya nagbabagsak ng estudyante..
enero abente-singko.. eto ang araw ng aming laboratory exam na wala naman akong naintindihan.. peo ako'y may natutunan... tungkol sa ketones, acetalinydes at kung ano ano pa.. natapos ang aming midterm exam noong enero atrentai-uno.. ang huling araw ng buwan.. masaya kaming lahat dahil dalawang araw kaming mawawalan ng klase, ganoon talaga sa aming pamantasan.. matapos ang mga eksaminasyon ay mawawalan ng pasok ng mga dalawang araw..
pebrero atres.. bumalik na kami sa aming mga klase, at nagdarasal na sana'y magaganda ang aming mga grado sa nakalipas na grading period..
sa ngayon ay mataas pa naman ang naibibigay sa amin.. peo pano na kinabukasan..

masya ako ngayong taon ng nagbabagang aso... ayon sa instik, wag titingin sa bagwa dahil may dala itong kalamasan.. baka kayo ay magaya kay ms. Kris Aquino sa kanyang palabas na feng shui

hanggang dito nalang muna.. may malaking pagbabago nga pala na magaganap sa aking pahina!
ABANGAN!